top of page

3 MWP, ARESTADO SA MAGKAKAHIWALAY NA PAGHAHAIN NG WARRANTS OF ARREST SA SULTAN KUDARAT, MAGUINDANAO

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Kulungan ang bagsak ng tatlong Most Wanted Person kasunod ng paghahain ng warrants of arrest sa tatlong magkahiwalay na lugar sa Barangay Bulalo, Sultan Kudarat, Maguindanao.


Ayon sa ulat mula sa PNP-BARMM.


Arestado sa bisa ng warrant of arrest ang Top 3 Most Wanted Person na si Said Ayob Nguda noong A bente ng Oktubre

Photo courtesy : PRO BAR


dahil sa kasong murder.


Napasakamay din ng otoridad ang Top 1 Most Wanted na si Muhamadin Abas Sumagca at ang Top 2 Most Wanted na si Salahuddin Sinlongan Rahaman dahil din sa kasong murder.


Ang tatlong naaresto ay nahaharap sa kasong ng Murder.


Ang warrants of arrest laban sa mga ito ay inisyu noong October 13, 2022, na pirmado ng RTC Branch 27 Presiding Judge at walang inirekomendang bail bond. Nasa kustodiya na ng Sultan Kudarat Municipal Police Station ang mga suspek.


END.


0 views
bottom of page