top of page

3 NOTORIOUS DRUG PERSONALITIES, PATAY MATAPOS MANLABAN SA MGA PULIS SA TAWI-TAWI; 3 IBA PA, ARESTADO

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Sa report ng PNP BARMM, patay ang tatlong pinaniniwalaang notorious drug matapos manlaban sa ikinasang police operation ng mga tauhan ng Tandubas Municipal Police Station at Tawi Tawi Police Mobile Force Company araw ng linggo, July 31, sa Barangay Kakoong, Tandubas, Tawi-Tawi.


Arestado naman ang tatlo pang kasamahan ng mga ito.


Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas tres y media ng umaga, nakatanggap umaano sila ng report kaugnay sa presenya ng mga ito sa lugar.


Nang rumisponde ang otoridad, agad umanong silang pinaulanan ng bala dahilan upang mapilitang gumanti ng putok ang mga pulis na tumagal ng dalawampung minuto.


Kinilala ang mga nasawi na sina Nurhamin Madnur, Moh'd Al Sangogot at isang alyas Billy. Naaresto naman sina Alhamin, Alman at Adin.


Narekober sa pag-iingat ng mga ito ang tatlong M14 Rifles, isang M16 Rifle A1 eliscona na may M203 Grenade launcher, isang KG9 (9mm) luger automatic sub-machine gun, dalawang rifle grenade at bala, at dalawang pakete ng hinihinalaang Shabu na may timbang na 50 grams at nagkakahalaga ng 340,000.00, 109 plastic straws na may laman ding hinihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 19,788.00, walong rolyo ng aluminum foil at pera na nagkakahalaga ng 2,780.


Nasa Tabundas MPS na ang mga naarestong indibidwal at mga narekober na mga ebidensiya para sa imbestigasyon at wastong disposisyon.


Naiturn-over naman ang mga nasawing suspek sa kani-knailang mga pamilya.


Pinuri ni PRO BAR Regional Director PBGEN, Arthur Cabalona ang matagumpay na operasyon ng pulisya at patuloy pa rin ang mahigpit na pagsusulong kampanya kontra iligal na droga.

5 views
bottom of page