top of page

3 RPG NAREKOBER


3 ROCKET PROPELLED GRENADE (RPG) NAREKOBER NG MILITAR SA BARANGAY TUGAL, MIDSAYAP, COTABATO PROVINCE


Midsayap, Cotabato Province - Tatlong Rocket Propelled Grenade o RPG ang narekober ng militar sa Barangay Tugal, Midsayap, Cotabato Province.


Nagsasagawa ng security assistance ang mga sundalo ng 34th Infantry Battalion sa Barangay Tugal, Midsayap, Cotabato Provice a tres ng Mayo habang isinasagawa ng mga kawani ng MSSD BARMM Midsayap Cluster ang validation, identification at assessment sa mga nasirang bahay buhat ng armed conflict sa lugar nang ireport ng isang sibilyan hinggil sa tatlong RPG.


Pinaniniwalaang naiwan ng mga naglalabang grupo sa lugar ang tatlong RPG.


Nagpatawag ng EOD Team noong Lunes si 34IB Commanding Officer, Lieutenant Colonel Rey Rico at matagumpay na nakuha ang tatlong RPG.


Pinasalamatan naman ni Major General Alex Rillera, Division Commander ng 6ID at Joint Task Force Central ang indibidwal na nagbigay ng impormasyon sa presensya ng tatlong RGP gayun din ang agarang pagtugon ng 34IB sa report at naagapan ang mas malaking panganib hindi lamang sa mga kasundalohan pati na rin sa mga sibilyan.



8 views0 comments