top of page

3 sugatang sundalo ng JTFC, ginawaran ng medalya ni MGen. Uy

Kate Dayawan | iNEWS | November 29, 2021

Photo courtesy : 6th Infantry Division - Kampilan


Cotabato City, Philippines - Personal na binisita at binigyang parangal ni MGen. Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division, ang tatlong sundalo na nagpapagaling sa Camp Siongco Station Hospital sa loob ng Headquarters ng 6ID sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao noong Biyernes, November 26.


Kinilala ang tatlong sundalo na sina Corporal Kent Ayco, Private First Class Joemar Deguit at PFC Carl John Lagdamen.


Kasamang bumisita ni MGen. Uy ang kanyang Chief of Staff na si Col. Michael Santos na tumulong sa pagbibigay ng simpleng pagkilala sa katapangan at kabayanihan na ipinamalas ng tatlong sundalo na nasugatan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin laban sa mga teroristang grupo.


Sa mensaheng ibinahagi ni MGen. Uy, sinabi nito na kinikilala ng mga kasundaluhan ng 6ID ang sakripisyong ginawa ng mga sugatang sundalo para sa kapakanan ng mamamayan.








39 views
bottom of page