Kristine Carzo | iNEWS | October 1, 2021
Cotabato City, Philippines - Nasa kostodiya na ngayon ng Cotabato City PNP station 1 ang isang tatay.
Inaresto ito pasado alas onse ng madaling araw, araw ng Miyerkules sa Barangay Poblacion 4 Cotabato City, matapos nitong mapalo ng feeding bottle sa ulo ang kanyang tatlong buwang gulang na anak.
Ayon kay Cotabato City PNP Station 1 Chief, Police Major Elixon Vila Bona, gabi ng Miyerkules habang natutulog ang mag ama ay bigla umanong umiyak ang anak nito at agad nitong pinag timpla ng gatas.
Matapos na ilang minuto ng tuloy tuloy na pag-iyak ng bata nainis umano ang ama nito at napalo nito ng feeding bottle ang ulo ng bata na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Umaga na umano ng Huwebes ng pumunta sa himpilan ng pulisya ang opisyal ng barangay upang ipag-bigay alam ang naganap na insidente sa mga otoridad.
Nasa kostodiya na ngayon ng PNP Station 1 ang suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.
