3 VACCINATION SITES SA ZAMBOANGA CITY, UMARANGKADA NGAYONG ARAW
Amor Sending | iNEWS | November 17, 2021

Photo courtesy : City Government of Zamboanga
Cotabato City, Philippines - Sa abiso ng lokal na pamahalaan, tatlong walk-in vaccination sites ang patuloy na umaarangkada sa ZAMBOANGA City upang bakunahan ang mga adult at pedriatric population sa lungsod.
Mula 8am to 5pm ang schedule ng tatlong vaccination hubs na kinabibilangan ng Integrated Bus Terminal sa Divisoria na mayroong 500 slots, Jollibee- Sta. Cruz na mayroong 300 na slots at ang panghuli ay ang vaccination site sa Mc Donald's- Guiwan na kayang mag cater ng tatlong daan katao.
Kaugnay nito, kinakailangang magprisenta ng Valid ID ang mga adult vaccinees, habang ang mga vaccinees naman na kabilang sa Pedriatrics ay kinakailangan may kasamang magulang o guardian, at ipakita ang anumang proof of affiliation, tulad na lamang ng birth certificate at legal na awtoridad sa bata.
Ang walk-in vaccination ay bahagi ng estratehiya ng lokal na pamahalaan upang mahikayat ang mga residente na magpabakuna laban sa COVID-19. Target ng lungsod na maging fully vaccinated ang 50% ng eligible population ng Zamboanga bago matapos ang taon.