Kristine Carzo | iNEWS | September 29, 2021
Cotabato City, Philippines - Kalaboso ang isang Trentay-uno anyos na lalaki, matapos na maaresto sa isinagawang buybust operation ng mga elemento ng Cotabato City Police Station 1 sa bahagi ng Purok Tukananes, Poblacion 7, ng lungsod.
Kinilala ang suspek na si Alyas Mohammad na residente rin ng naturang barangay.
Ayon sa Hepe ng Police Station 1 Police Major Elixon Vila Bona, martes ng gabi nang makipag sundo ang isang nagpanggap na poseur buyer sa suspek upang bumili ng pinaghihinalaang shabu.
Nabili sa suspek ang isang pakete ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 500 pesos.
bukod sa iligan na droga nakuha rin sa posesyon nito ang buybust money na ginamit sa operasyon.
Nakapiit na ngayon sa selda ng Police Station 1 and suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
