Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 10, 2022

Photo courtesy : MBHTE TESD
Cotabato City, Philippines- Matagumpay na nagtapos ang tatlumpong Decommissioned Combatant sa Dressmaking NC II ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education – Technical Education and Skills Development o MBHTE-TESD kahapon, March 9.
Dumayo ang mga kinatawan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office sa Guindulungan, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao upang isagawa ang Mass Graduation Ceremony.
Pinangunahan ng CAC Focal na si Engr. Rasul K. Datukali at ang Normalization Program Focal na si Mohamad-Ali B. Diang katuwang ang TVI ng Darussalam Institute of Technology,Inc. na pinangunahan ng kanilang School President na si Ustadz Umer A. Abdulrasid ang nasabing aktibidad.
Nagpapasalamat naman ang mga trainess sa MBHTE-TESD sa kanilang nakuha na kalidad na kaalaman at kasanayan na kanilang magagamit sa pagsisimula ng negosyo o sa pagtatrabaho.
End.