32 ANYOS NA MAGSASAKA NA MOST WANTED SA DAVAO DEL SUR DAHIL SA KASONG RAPE, ARESTADO!

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES




Tiklo ang most wanted na trenta y dos anyos na magsasaka na si Ronnie Galila Dano Jr, residente ng Purok Lubi, Barangay Managa, Bansalan, Davao del Sur.


Inaresto ito sa bisa ng dalawang arrests warrant sa ikinasang joint manhunt operation noong August 23, 2022, sa Sitio New Bohol, Balutakay, Barangay Managa, Bansalan, Davao del Sur sa kasong Paglabag sa Republic Act 8353 o ang violation of the Anti-Rape Law of 1997 at Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons o paglabag sa Article 294 of the Revised Penal Code..


Na inisyu ni Judge Marivic Trabaho Daray ng Regional Trial Court Branch 18 sa Digos City.


Walang piyansa ang kinakaharap nito na kasong rape. One hundred thousand pesos naman ang inirekomendang piyansa para sa kasong robbery laban sa suspek.


Nahuli ang suspek matapos inilunsad ng mga operatiba ng Matanao Municipal Police Station Bansalan PNP, 2nd Davao del Sur Provincial Mobile Force Company, 1104th Regional Mobile Force Battalion aT personnel mula sa Provincial Intelligence Unit.


Hawak na ngayon ng Bansalan PNP ang naaresto para sa documentation habang hinihintay ang issuance ng Commitment Order mula sa korte.

6 views