Amor Sending | iNEWS | December 3, 2021

Photo courtesy : Provincial Government of Cotabato
Cotabato City Philippines - Abot sa tatlumpot tatlong milyong pisong pondo ang inilaan ng DOLE sa lalawigan ng North Cotabato sa taong 2021-
Ang pondong ito ay mapupunta sa programang Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Displaced/Disadvatage (Tupad) Workers na mayroong mahigit walong libong benepisyaryo mula sa iba't-ibang bayan ng lalawigan.
Sa datus ng Provincial Human Resource and Management Office (PHRMO), abot na sa p13,353,004 ang natanggap ng 2,961 na mga benepisyaryo mula May 4 hanggang November 29, 2021. Habang ang nalalabi namang p19.6-m na pondo ay nakatakdang ipamahagi ngayong buwan ng Disyembre para sa 5,853 tupad beneficiaries.