top of page

33 MORTAR, NAREKOBER NG MGA CONSTRUCTION WORKER SA MIDSAYAP, COTABATO

Fiona Fernandez

(Photo courtesy: Midsayap Municipal Police Station)


MIDSAYAP, NORTH COTABATO - Narekober ang higit 33 piraso ng unexploded ordnance (UXOs) o mortars sa Barangay Sadaan sa Mdsayap, North Cotabato niyong Miyerkules bandang alas kwatro kahapon.


Ayon sa pulisya, naghuhukay umano sa drainage ang mga construction workers sa area na siyang tabi ng kalsada nang matagpuan nila ang mga pampasabog.


Agad namang itinungo ng mga workers ang nadiskubreng nangangalawang na mga unexploded ordnance at nai-turn over na sa 34th Infantry Battalion’s Explosive Ordnance Disposal (34IB-EOD) team para sa tamang disposisyon.


Sa 33 pampasabog, 25piraso dito ay 60mm heavily corroded mortar projectiles , 8 pirasong 81mm mortar explosives, at tatlo pang hindi na matukoy na projectiles.


Sinasabi rin ng otoridad na ang naturang site kung saan narekober ang mga pampasabog ay dating detachment ng Philippine Constabulary noong taong 1970’s at posibleng intensyonal itong nilibing doon.


May potensyal pa ring sumabog ang mga ito kahit paa matagal na itong nakalibing at kinakalawang na.


6 views
bottom of page