331 DECOMMISSIONED COMBATANTS, NAGTAPOS SA SKILLS TRAINING NG MBHTE-TESD
Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 11, 2022

Photo courtesy : MBHTE TESD
Cotabato City, Phils - Matagumpay na naisagawa kahapon ng Ministry of Basic, Higher and Technical education – Technical Education and Skills Development o MBHTE-TESD ang Mass Graduation Ceremony para sa 331 na mga decommissioned combatants na nagsipagtapos sa kanilang skills training.
Dumayo pa ang mga kinatawan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office sa Sitio Tatung, Kurintem, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao upang isagawa a ng nasabing pagtatapos.
Kabilang sa mga natapos na pagsasanay ng mga trainees ang Dressmaking NC II, Electrical Installation & Maintenance NC II, Bread and Pastry Production NC II, Bread Making (Leading to BPP NC II), at Produce Concoctions and Extracts (Leading to OAP NC II).
Nagpapasalamat naman ang ito sa MBHTE-TESD sa pagkakaroon nila ng kalidad na kaalaman at kasanayan na kanilang magagamit upang makapagsimula sa kanilang panibagong buhay.
Patuloy na ginagawa ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang lahat ng kanilang makakaya upang makapagbigay ng kalidad na kaalaman at kasanayan para sa lahat.
End.