top of page

336 bags ng Fertilizers naipamahagi sa mga MILF-Combatant Farmer Beneficiaries sa DAS, Maguindanao

Amor Sending | iNEWS | December 3, 2021

Photo courtesy: Babai A. Kasaligan


Cotabato City, Philippines - Sa ilalim ng Agila A2F program, tatlong barangay sa bayan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao ang nakatanggap ng farm inputs mula sa Provincial Government Ng Maguindanao


Ang mga barangay na ito ay kinabibilangan ng Barangay Salman, Guinibon at Banaba kung saan abot sa tatlong daan at tatlumpot anim na sakong abono ang natanggap ng mga MILF-BIAF combatant beneficiaries na ito na nasa ilalim ng 106th base command.


Ang mga abonong ito na kinabibilangan ng isang daan at syamnapung sako ng urea at isang daang at apat naput anim na sako ng T14 ay laan para sa kanilang 3rd cycle rice production.


Matatandaan na simula pa noong buwan ng Oktubre taong 2020 hanggang sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy na ang ipinapaabot na tulong ng Agila ng Maguindanao sa mga MILF-BIAF combatant beneficiaries na ito mula sa bayan ng Datu Abdullah Sangki upang i-empower at maging produktibo ang mga magsasakang ito.

8 views
bottom of page