top of page

36 2-STOREY BARANGAY HALL BUILDINGS, IPATATAYO NG BARMM GOVERNMENT SA 7 BAYAN SA BARMM

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Lumagda sa isang memoranda of agreement ang Bangsamoro Goverment at mga Alkalde ng Sultan Mastura, Barira, Northern Kabuntalan, Pagalungan, Guindulugan, Datu Blah Sinsuat at Cotabato City para sa pagpapatayo ng tatlumpo’t anim na 2 storey barangay hall buildings sa mga nabanggit na bayan na nagkakahalaga ng 126 million pesos.

Photo courtesy: MILG


Pinondohan sa ilalim ng Office of the Chief Minister's Support to Local Moral Governance (SLMG), ang mga proyektong ito sa imprastraktura ay ipinatutupad ng MILG-BARMM sa pamamagitan ng Project Management Development Division (PMDD).


Ang panunumpa ng Moral Governance ay kabilang sa mga adbokasiya ng Bangsamoro Government sa pamumuno ni Punong Ministro Ebrahim.


Ito ay naaayon sa 12-point agenda ng Chief Minister na naka-angkla sa pananaw, layunin, at estratehiya sa reporma sa pamamahala.


End

0 views
bottom of page