Kate Dayawan | iNEWS | September 30, 2021
Cotabato City, Philippines - Personal na itinurn-over ni Department of Health 9 Dir. Dr. Joshua Brillantes kay Mayor Beng Climaco ang cheke na nagkakahalaga ng 36 million pesos para sa ikalawang tranche ng Special Risk Allowance o SRA ng City Government health workers.
Kabilang na dito ang mga barangay health worker, barangay nutrition scholars, contact tracers at regular City Health Office employees at iba pa.
Pinirmahan na ni Mayor Climaco ang mga dokumentong nagli-liquidate sa 24 million pesos na pondong ginamit na pagbayad sa unang tranche ng SRA at ang actual hazard duty pay o (AHDP) noong nakaraang buwan.
Pasasalamat ito ng DOH at ng city government ng Zamboanga sa mga frontliner na isinakripisyo ang kanilang buhay para sa kaligtasan at proteksyo ng nakararami.
Ipinag-utos naman ni Mayor Climaco sa mga concerned offices na ihanda na ang mga dokumento para sa agarang pagrelease ng SRA sa public health workers.
Sa second tranche ng SRA sakop nito ang December 20, 2020 hanggang June 30, 2021 kung saan nasa 5,000 pesos ang maximum na bayad kada buwan na may 22 working days.
Ang pamamahagi ng SRA ay alinsunod sa Presidential Administrative Order 36 na inisyu noong November 16, 2020.
