Kristine Carzo | iNEWS | September 13, 2021
Cotabato City, Philippines - Patuloy na tumataas ang bilang ng mga covid-19 positive sa ibat-ibang lugar sa Mindanao.
As of 6:00pm ng September 12, 2021, nakapagtala ng 365 na panibagong kaso ng covid-19 ang SOCCSKSARGEN region.
Sa kabuuhan ay umaabot na sa 42,597 ang kabuuhang kaso ng covid-19 sa SOCCSKSARGEN Region, kung saan 5,929 parin ang aktibong kaso, 35,304 ang gumaling at 1,357 naman ang pumanaw.
Sa BARMM nakapagtala ng 95 na panibagong kaso ng covid-19. Sa buong BARMM ay pumapalo na sa 11,289 ang kaso ng Covid-19 sa rehiyon ng Bangsamoro. 892 ang aktibong kaso, 9, 955 ang gumaling at 442 naman ang nasawi.
Samantala sa Iligan City, 56 ang naitalang panibagong kaso ng Covid-19. Sa kabuuhan ay umaabot na sa 4,222 ang kaso ng covid-19. 979 ang aktibong kaso, 2,933 ang gumaling at 310 ang nasawi.
Sa Zamboanga City, nakapag-tala ng 74 new cases ng Covid-19, Sa kabuuhan ay umaabot na sa 13,281 ang kaso ng covid-19 sa buong Zamboanga City, 638 ang nananatiling aktibo, 12,001 ang gumaling at 642 ang nasawi.
Habang sa Davao Region, 934 na panibagong kaso ng covid-19 ang naitala sa loob lamang ng isang araw, Sa kabuuhan ay umaabot na sa 79,907 ang kaso ng covid-19 sa Davao Region. 18, 425 ang aktibong kaso, 59,059 ang gumaling at 2,423 naman ang pumanaw.
