top of page

4 ARMAS AT MGA BALA

MILITAR, NAREKOBER ANG 4 ARMAS AT MGA BALA SA ISINAGAWANG CLEARING OPERATION SA BARANGAY GALAKIT, PANGALUNGAN, MAGUINDAAO DEL SUR

 

Photo Courtesy: Western Mindanao Command, AFP

Narekober ng tropa ng 90th Infantry Battalion ang apat na armas at mga bala sa ikinasang clearing operation sa Barangay Galakit, Pagalungan, Maguindanao del Sur, a dise otso ng Mayo.


Ito ay kinabibilanga ng isang M16 rifle, isang M14 rifle, dalawang cal. 45 pistols, at assorted magazines at ammunition.


Ikinasa ang clearing operation sa lugar matapos makarinig ng putok ng baril ang mga sundalo mula sa Sitio Gorreon sa nasabing barangay.


Agad nakipag-ugnayan ang militar sa 2nd Provincial Mobile Force Company at Pagalungan Municipal Police Station hinggil sa insidente saka nagsagawa ng foot patrol.


Namataa ng mga sundalo ang apat na armadong lalaki pero agad ring tumakas ang mga ito.


Ayon kay Lt. Gen. Roy Galido, Commander ng Western Mindanao Command, ang positibong resulta ng operasyon ay bunga ng patuloy na suporta at pakikipagtulungan ng komunidad sa gobyerno.


8 views0 comments