4 BRAND NEW POLICE CARS

MILG, ITINURN-OVER SA PRO BAR ANG 4 BRAND NEW POLICE CARS PARA SA MAGUINDANAO DEL NORTE
Bangsamoro Autonomous Region - Itinurn-over ng Ministry of the Interior and Local Government ang apat na brand new police cars sa PNP BARMM para sa Maguindanao del Norte. Ikinagalak din ng PRO BAR ang suporta ng BARMM Government sa pagpapatayo ng provincial headquarters ng Maguindanao del Norte.
Apat na bagong police cars ang itinurn-over ng BARMM Government sa pamamagitan ng MILG sa PRO BAR para sa Maguindanao del Norte.
Ang apat na police cars ay pinondohan mula sa Transitional Development Impact Fund o TDIF.
Ikinagalak din ng PRO BAR ang suporta ng BARMM Government sa pagpapatayo ng provincial headquarters ng Maguindanao del Norte.
Sa kabuuan, dalawampu’t anim na police cars na ang natanggap ng PRO BAR mula sa BARMM Government na ginagamit ngayon sa iba’t ibang istasyon ng pulis sa buong rehiyon.