4 CTG MEMBERS, 1 MASS SUPPORTER, SUMUKO SA T’BOLI PNP

Lerio Bompat | iNEWS | January 28, 2022

Courtesy: PRO 12


COTABATO CITY, Philippines - Kinilala ng T’boli PNP ang mga sumukong miyembro ng Communist Terrorist Group na sina Son, Bonbon, Vice Ganda at Miray mula sa Brigol Command/Roxas Range, Guerilla Front MUSA/Guerilla Front 73.


Isa ring supporter ang sumuko at kinilalang si Lito. Ang mga ito ay residente ng Sitio Lamcogo, Brgy. Lamsalome, T’boli, South Cotabato on January 26, 2022.


Isinuko rin ng mga ito ang limang improvised explosive devices at isang homemade shotgun na agad ding itinurn-over sa T’boli PNP para sa dokumentaasyon at proper disposition.


Umapela naman si PNP 12 Regional Director, Police Brigadier General ALEXANDER C TAGUM sa mga active members at supporters ng teroristang grupo na magbalik loob na sa gobyerno.


4 views