Amor Sending | iNEWS | December 7, 2021

Photo courtesy : Makabagong Maguindanao Medikal Team Tatak Agila
Cotabato City, Philippines - Hindi nagtatapos sa pagsaayos ng mga kalsada, pagbibigay ng liwanag sa probinsya at pagsundo sa mga ROF’s ang mga programa ng Agila ng Maguindanao.
Dahil nitong araw ng sabado, ika-apat sa buwan ng Disyembre, matagumpay na nagtapos ang isinagawang 4-day Medical Mission ng Makabagong Magundanao Medikal Team, sa bayan ng Nuro Upi Maguindanao, alinsunod sa direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki- Mangudadatu.
Sampung barangay sa naturang bayan ang nakabenepisyo sa serbisyong medical, kinabibilangan ito ng Brgy. Poblacion Nuro Upi, Darugao, Sefegefen, Nangi, Borongotan, Bugabungan, Bungcog, Kaba-kaba, Blensong at Brgy. Kibleg.
Mahigit apat na libong indibwal ang sumailalim sa libreng konsultasyon, dalawang daan at walumpot tatlong indibidwal naman ang sumailalim sa pagbunot ng ngipin habang mahigit apat na raan naman ang naserbisyuhan ng libreng tuli.
Liban pa rito ang pamamahagi ng mahigit anim na raang salamin sa mata at dalawampung wheel chairs para sa mga residenteng may kapansanan at Senior Citizens.
Kasabay rin ng Medical Mission ang isingawang feeding program sa dalawang libong residente sa bayan ng Nuro Upi, Maguindanao.