top of page

4 LALAKI, ARESTADO, MAHIGIT 591,600 na HALAGA NG ILIGAL NA DROGA, NASAMSAM SA ZAMBOANGA PENINSULA

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Nasamsam ang nasa 591,600 na halaga ng iligal na droga matapos ikasa ng otoridad ang anti-drug operation sa Zamboanga Peninsula nitong Biyernes, September 30.


Ayon sa Zamboanga City PNP, apat na indibidwal ang inaresto ng mga awtoridad, kabilang ang dalawang high-value individuals.

Photo courtesy : ZCPO


Kinilala ang dalawang HVI na sina Alyas Al, at Alyas Jose.


Unang naaresto si Alyas Jose mag-ala una sa Barangay Bangkerohan na nakumpiska sa suspek ang nasa 68,000 pesos na halaga ng hinihinalaang Shabu, boodle money, isang 500 pesos bill bilang marked money, at iba pang personal na gamit.


Bandang alas siete naman , naaresto si Alyas Al sa Barangay Calaria na nakumpiska sa pag-iingat nito ang nasa 523,600 na halaga ng hinihinalaang Shabu, 1,000 boodle money at isang 500 genuine Bill bilang marked Money.


Nakakulong na ngayon ang mga suspek habang nakatakdang sampahan ng pormal na kaso sa mga ito kaugnay sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


End


0 views
bottom of page