Kristine Carzo | iNEWS | September 9, 2021
Cotabato City, Philippine - Patay ang apat na miyembro ng New People’s Army sa sagupaan sa pagitan ng tropa ng 88th IB sa Barangay Mabuhay, San Fernando, Bukidnon, Miyerkules, Setyembre a-otso.
Naaresto rin sa operasyon ang siyam pang miyembro ng NPA kabilang na ang 12-year old na bata. Labing anim na mga armas naman ang nakumpiska ng militar.
Sa report ng 4th Infantry Division, nagsasagawa ng strike operation ang militar sa lugar matapos makatanggap ng report hinggil sa presensiya ng mga rebelde na umanoy nagsasagawa ng recruitment at extortion activities sa lugar nang makasagupa ang nasa dalawampung miyembro ng NPA.

Photo credit: 88IB