top of page

4 MIYEMBRO NG NPA, SUMUKO SA ZAMBOANG DEL SUR AT ZAMBOANGA SIBUGAY

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Magkahiwalay na sumuko ang apat pang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa local government noong Miyerkules sa Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.


Ayon sa Area Police Command-Western Mindanao, tatlo sa apat ang sumuko sa Zamboanga del Sur, na sina Alyas Juanito, Gina, at alatas Loooy.


Sumuko ang mga ito sa Barangay San Pablo, Dumingag, Zamboanga del Sur. Ang mga ito ay miyembro ng Barrio Revolutionary Committee (BRC), NPA Guerrilla Front BBC (Big Beautiful Country), Western Mindanao Regional Party Committee.


Samantala, isang alyas Rogelio naman ang sumuko sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay province.


Siya ay miyembro ng Regional Urban Committee ng WMRPC ng NPA at sangkot sa “Agaw Armas” sa Siay, Zamboanga Sibugay,.


Ang Communist Party of the Philippines-NPA ay nakalista bilang isang teroristang organisasyon ng United States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at Pilipinas.


Ang National Democratic Front ay pormal na itinalaga bilang isang teroristang organisasyon ng Anti-Terrorism Council noong June 23, 2021, na binanggit ito bilang "isang integral at hindi mapaghihiwalay na bahagi" ng CPP-NPA na nilikha noong April 1973.

2 views
bottom of page