top of page

4 NA INDIBIDWAL, ARESTADO NANG SALAKAYIN NG PDEA-BARMM ANG ISANG DRUG DEN SA PANAMAO, SULU

Kate Dayawan

SULU - Himas-rehas ngayon ang apat na indibidwal matapos na mahuli sa inilunsad na buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM na humantong sa pagsalakay ng isang drug den sa Barangay Lower Patibulan, Panamao, Sulu pasado alas sais ng umaga kahapon, May 17.


Kinilala ang mga nahuling indibidwal na sina alyas Bel na isang 26 anyos, Ridz, 27 anyos; Jimboy, 19 anyos at Das na isang 18 anyos.


Nakumpiska mula sa nasabing drug den ang apat na pakete ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng mahigit kumulang 102 grams ng hinihinalang shabu na may estimated market value na 693,600 pesos.


Bukod pa ito sa mga nakumpiskang buy-bust money, mga cellphone, sling bag, iba’t ibang drug paraphernalia at mga ID.


Naging matagumpay ang nasabing operasyon sa tulong ng Regional Intelligence Unit IX, Panamao Municipal Police Station, MICA IX, 1st Provincial Mobile Force Company, 2nd PMFC, Sulu Police Provincial Office, Marine Battalion Landing Team 7 at iba pang unit ng otoridad.


Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga suspek na sa kasalukuyan ay nakapiit na sa Jolo Municipal Police Station Jail Facility.

14 views
bottom of page