top of page

4 na loose firearms, isinuko ng mga residente ng Sultan sa Barongis, Maguindanao sa PNP

Kate Dayawan | iNews | December 14, 2021





Boluntaryong isinuko ng mga residente ng Barangay Barural, Sultan sa Barongis, Maguindanao ang apat na loose firearms sa Municipal Police Station noong Sabado, December 11.


Sa report mula sa Maguindanao Police Provincial Office, tanghali noong Sabado nang itinurn-over Sultan sa Barongis Municipal Councilor Kedtayak Umal Tunda ang apat na hindi lisensyado at undocumented high-powered firearms.


Kabilang sa mga armas na ito ay ang isang homemade Barrett, isang homemade shotgun na may magazine, isang homemade RPG at isang homemade M79 grenade launcher.


Ang pagsuko ng mga nasabing armas ay resulta ng mas pinaigting na kampanya ng PNP kontra loose firearms bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na eleksyon sa May 2022.


Pinuri ni PBGen. Eden Ugale, Regional Director ng Police Regional Office BAR, ang mga personnel ng MAGPPO dahil sa walang humpay nitong pagsisikap sa pagpapatupad at pagpapatuloy ng kampanya kontra loose firearms.

11 views
bottom of page