top of page

400 NEW CONFIRMED COVID-19 CASES, NAITALA SA REHIYON DOSE AS OF AUGUST 30, 2021; 68 NAMAN SA BARMM

JOY FERNANDEZ | iNEWS | iMINDSPH


Cotabato city, Philippines - Nakapagtala ng 400 new cases ng Covid-19 ang SOCCSKSARGEN REGION as of August 30 , 2021. May kabuuan umaabot na sa 9,963 na kaso ng Covid-19 ang naitala General Santos City, 6,833 ang North Cotabato, 3, 962 sa Saranggani Province, 11, 369 Sa South Cotabato at 4,548 naman sa Sultan Kudarat Province.



Sa Bangsamoro Region, as of August 30 , 2021 nakapagtala ito ng 68 new cases ng Covid-19. 50 sa Lanao del Sur at Marawi city at 18 naman sa Cotabato city. Umaabot na sa 10, 410 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa BARMM. 666 dito ang Active case, 9350 ang naka-recover na mula sa sakit at 394 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.



Dumako naman tayo sa ZAMBOANGA CITY, nakapagtala ang siyudad ng 28 new cases ng Covid-19 as of August 29 , 2021. Tinatayang umaabot na sa 12, 572 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa siyudad ng Zamboanga. 176 ang aktibong kaso, 11, 768 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover at 628 naman ang namatay mula sa sakit.



Samantala, nakapagtala ng 151 na panibagong kaso ng Covid-19 ang Cagayan de Oro City as of August 29 , 2021. Sa kabuuan umaabot na sa 16, 991 ang kaso ng covid-19 na naitala sa Cagayan de Oro city. Mayroon itong 3, 362 na aktibong kaso ng Covid-19, 12, 903 naman ang bilang ng recoveries at 726 ang Covid-related deaths.



Sa Davao city mayroon naman itong 646 new cases ng Covid-19 as of August 30 , 2021. 11, 773 Ang aktibong kaso ng covid-19, 54, 336 ang recoveries at 2, 152 ang bilang ng nga namatay na mula sa sakit. Sa kabuuhan umaabot na sa 68, 261 ang kaso ng Covid-19 sa Davao city.







5 views
bottom of page