top of page

400 oxygen tanks, ipinamahagi ng MOH-BARMM sa dalawang malalaking ospital sa rehiyon

Kate Dayawan | iNEWS | September 20, 2021


Cotabato City, Philippines - Dahil sa nagkakaubusan nang suplay ng oxygen sa mga pangunahing ospital sa rehiyon ng Bangsamoro bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, matagumpay na naipadala sa Cotabato Regional and Medical Center ng Cotabato City ang dalawang daang oxygen tank noong araw ng Biyernes, September 17,


Pinangunahan mismo nina Health Minister Dr. Bashary Latiph at Director General of Health, Dr. Amirel Usman ang pagturn-over sa mga nasabing oxygen tank na personal namang tinanggap ni Medical Center Chief II Dr. Ishmael Dimaren, kasama ang iba pang mga opisyal at doktor.


Lubos namang nagpapasalamat si Dr. Dimaren sa pamunuan ng MOH-BARMM dahil sa walang sawang suporta at tulong na ibinibigay nito sa CRMC.


Matapos ang turn-over ceremony ay nagsagawa ng ocular visit ang mga opisyal ng MOH sa mga bagong pasilidad at amenities ng ospital.


Una nang nabigyan ng oxygen tanks ng MOH –BARMM ang Amai Pakpak Medical Center noong araw ng Martes, September 14, 2021.


As of September 19, 2021, umabot na sa 2,160 ang naadmit sa CRMC na mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 , 1,714 naman ang na-discharged na habang 289 naman ang nasawi sa sakit.


Sa APMC naman, as of September 19, 2021, abot na sa 2,486 ang naadmit sa ospital na mga positibong kaso ng COVID-19.


2,106 naman ang nakarekober at na-discharged na sa ospital habang 250 na ang naitalang namatay.




Photo by: MOH-BARMM

12 views0 comments

Recent Posts

See All