Kate Dayawan | iNEWS | November 15, 2021

Photo courtesy: MSSD
Cotabato City, Philippines - Araw ng Biyernes, November 12, umabot na sa 424 indigents sa Cotabato City ang nakatanggap ng 15,000 pesos na livelihood assistance sa pamamagitan ng Bangsamoro Sagip Kabuhayan program ng Ministry of Social Services and Development sa Barangay Poblacion 7, Rosary Heights 1, 6 at 7.
Sinimulan ang pamamahagi ng livelihood assistance noong Huwebes, November 11, kasabay ng paglulunsad ng BSK program sa Datu Siang Central School.
Ang paglulunsad ng nasabing program ay simbolo rin ng simula ng regular na implementasyon ng social protection program ng MSSD sa lungsod.
Target ng MSSD na mabigyan ng livelihood assistance ang nasa 1,018 na indibidwal na kabilang sa poor, vulnerable at marginalized sectors kung saan napabilang dito ang mga out-of-school youth, solo-parents, Women in Especially Difficult Circumstances at mga pangulo ng bawat mahihirap na pamilya na nawalan ng kita dahil sa pandemya at lockdown.
Sa bilang sa 424 na mga benepisyaryo, 103 dito ay mula sa Poblacion 7; 76 naman mula sa Rosary Heights 1; 118 mula sa Rosary Heights 7 at 127 na indibidwal ang mula sa Rosary Heights 6.
Upang mapili ang mga karapat-dapat na mabigyan ng tulong, idineploy ng MSSD ang mga field social worker nito sa lungsod upang magsagawa ng house-to-house validation.
Samantala, nakatakda namang ipatupad ng MSSD sa lungsod ang Angat Bangsamorong Kabataan: Tungo sa Karunungan Program na naglalayong makapagbigay ng educational assistance sa mga estudyanteng kabilang sa mga mahihirap na pamilya sa mga susunod na linggo