Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 9, 2022

Photo courtesy: Provincial Government of South Cotabato
Cotabato City, Philippines - Binigyang pagkilala ng Provincial Government ng South Cotabato ang 43 empleyado nito na nagpakita ng kanilang galing, sipag at dedikasyon sa trabaho para sa calendar year 2020.
Bawat awardee ay nakatanggap ng one step salary increment at certificate of recognition.
Una nang natanggap ng mga nasabing empleyado ang kani-kanilang Notice of Step Increment (NOSI).
Samantala, tatlo sa top-performing employees ng ahensya ang umabot na sa maximum salary o step 8 kaya naman hindi na sila nakatanggap ng salary step increment.
Sa halip ay binigyan na lamang ang mga ito ng meritorious performance incentive token at certificate of recognition.
End.