43RD REGULAR SESSION

Sa committee report ni Councilor Hunyn Abu ng Committee on Appointments and Commitee on Finance & Appropriations, sa sesyon sa konseho ngayong linggo, inilatag ng konsehal ang paglikha ng mga posisyon sa ilalim ng Office of the Internal Audit Services at ang pagpapabilang sa mga posisyong ito sa Annual Investment Program of Cotabato City for the Year 2023.
Kaugnay nito, itinulak ang pagpapasa ng ordinansa at resolusyon hinggil sa nasabing usapin.
Nagbigay din ng ulat ang Cotabato City Planning Office hinggil sa proposed Sangguniang Panlungsod Building.
Ilang tanong din sinagot ng tanggapan mula sa mga konsehal hinggil sa posibleng relocation site ng mga informal settlers at timeframe ng proyekto.
Tiniyak ng planning office na mapaalis na ang mga informal settlers sa pagtatayuan ng proposed SP building sa loob ng apat na buwan.
Ayon kay Vice Mayor Butch Abu, dapat mapabilis ang proyekto para sa interest ng public service. Ang proposed Sangguniang Panlungsod building ay makatulong para mas maging efficient, accessible at hassle-free transactions sa mga opisina ng SP.