Kael Palapar

BANGSAMORO REGION - Sa isinagawang special vaccination days ng Ministry of Health BARMM sa limang probinsya sa rehiyon kabilang ang lungsod ng Lamitan at Marawi ngayong buwan ng Mayo, hindi naabot ang 70 percent immunization rate na target ng tanggapan.
218, 683 indibidwal ang nagpabakuna o 46 percent mula sa 70 percent target
Ayon kay Dr. Amirel Usman, pagtutuunan pa rin ng tanggapan ang kampanya laban sa COVID-19 hanggang susunod na buwan.
"Sana po iparamdaman nila sa atin yung suporta na hinihingi natin. right now, it is too early to tell kasi kakatapos pa algn ng election but hopefully we will be going on sa ating pagbabakuna. and hhopefully, by that time, hanggang hindi pa nakakapag step down si presidente eh itutuloy tuloy pa rin natin ang pagbabakuna hanggat mareach natin yung ating target." ani Usman.
Sa kabila ng mataas na hesitancy level ng maraming residente sa rehiyon, ayon kay Usman, mas maganda umano ang ipinakitang pagtangkilik ng ilan sa naging special vax days.
"Compared to the previous special vax days at tska mga regular vax, mas maganda ang pagtangkilik ng mga tao ngayon so malamang sa mga kadahilan na it's hajj season kasi requirements yan pag hajj ang vax cert. at mga face-toface classes, although hindi mandatory, pero hindi naman mandatory pero it is encouraged talaga yung mga kabataan, yung ating mga learner especially ating mga teachers." dagdag ng opisyal.
Sa datos ng Department of Health, simula nang ikasa ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa rehiyon nasa mahigit 950,000 na ang kabuuang bilang ng mga residentng fully vaccinated mula sa 3.5 million target population sa buong rehiyon.