top of page

478 NA MGA PERSONNEL NG PRO-12, SUMAILALIM SA 5-DAY NATIONAL AND LOCAL ELECTIONS 2022 TRAINING

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 29, 2022

Photo courtesy : PRO 12 - PIO


Cotabato City Philippines - Upang maging ganap na handa sa nalalapit na halalan ngayong taon, isinailalim ng Police Regional Office Region 12 ang 478 na mga personnel nito sa pagsasanay kung paano tumugon sa mga posibleng magaganap sa araw ng mismong eleksyon.


Ang 478 na mga personnel na mula sa iba’t ibang unit, division at offices ng PRO12 ay sinanay patungkol sa Search And Rescue, Civil Disturbance Management, Responsive to Active Shooting Incident, at Emergency Medical Action.


Layon nito na mahasa pa ang kaalaman at kasanayan nito sa agarang pagtugon sa mga emergency at upang ganap na masiguro na magiging ligtas, tama, patas at malaya ang 2022 National and Local Elections.


Paalala ni PBGen. Alexander Tagum, Regional Director ng PRO12, sa kanyang mga personnel na panatilihin ng mga ito na maibigay sa publiko ang isang ligtas at payapang eleksyon.


End.

1 view
bottom of page