480 pamilya na nasunugan sa Zamboanga City, muling nakatanggap ng tulong

Joy Fernandez | iNEWS | October 27, 2021


Cotabato City, Philippines - Muling nakatanggap ng Financial assistance at relief goods nitong araw ng lunes ang nasa apatnaraan at walumpung pamilya na naapektuhan ng nakaraang sunog sa Barangay Recodo, Zamboanga City.


Ang mga tulong na ito ay mula sa Lokal na Pamahalaan ng Zamboanga, Department of Social Welfare and Development at iba't iba pang National Government Agencies.


Pinangunahan mismo ni Mayor Beng Climaco kasama si DSWD Assistant Secretary, Jane Jamolod ang pamamahagi ng mga nasabing tulong.


Dito ay nagpaabot rin ng pasasalamat si Mayor Climaco kay Asec Jamolod at sa iba't iba pang ahensya ng gobyerno na walang humpay sa pagpapaabot ng kanilang tulong sa mga displaced families sa siyudad.




3 views