Kristine Carzo | iNEWS | September 8, 2021
Cotabato City, Philippines - Patuloy na tumataas ang kaso ng Covid-19 sa ibat-ibang lugar sa Mindanao. Kahapon lamang September 7, 2021 ay nakapagtala ang SOCCSKSARGEN Region ng 461 na nagpopositibo sa sakit. Dahil dito ay pumapalo na sa 39,918 ang kabuuhang kaso ng covid-19 sa buong rehiyon, 5,157 ang aktibong kaso, 1,288 ang nasawi at 33,466 naman ang gumaling na sa sakit.
Sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, 96 ang naitalang panibagong kaso ng Covid-19. Sa kabuuhan ay umaabot na sa 10,933 ang kaso ng covid-19 sa Bangsamoro region, 755 ang active case, 9,750 ang gumaling at 428 naman ang nasawi.
Samantala, sa buong Iligan city, 35 naman ang panibagong naitalang kaso ng covid-19. Sa kabuuhan ay umaabot na sa 3,994 ang kaso ng Covid-19 sa buong iligan city. Nagtala ng 815 na active cases, 378 ang kasalukuyang naka admit at 437 naman ang nananatili sa mga isolation facility.
Sa Zamboanga City, nakapag tala muli ng 87 na panibagong kaso ng Covid-19, dahil dito ay pumapalo na sa 12,927 ang kabuuhang kaso ng covid-19 sa siyudad. 11,891 ang gumaling, 632 ang nasawi at 404 naman ang patuloy na nagpoagaling pa.
Habang sa Davao Region, As of September 7, 2021, 669 ang kaso ng covid-19 na naidagdag sa lungsod ng davao. Dahil dito ay umaabot na sa 75,011 ang kaso ng covid-19 sa Davao region. 57,626 ang gumaling na, 2,331 ang nasawi at pumapalo parin sa 15,054 ang nagpapagaling pa sa Covid-19.
