top of page

4th batch ng WASAR training, nagtapos na!

Kate Dayawan | iNEWS | November 26, 2021

Photo courtesy: Bangsamoro READi


Cotabato City, Philippines - Natapos sa pitong araw ng matinding pagsasanay ang ikaapat na batch ng WASAR o Water Search and Rescue training ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence ng Ministry of Interior and Local Government sa 6ID Division Training School, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.


Ang batch na ito ay binubuo ng animnapung responders kung saan labing isa dito ay mga kababaihan.


Nagmula ang mga responder na ito sa bayan ng Pualas, Kapatagan at Balabagan ng Lanao del Sur at Datu Piang, Buluan, Datu Montawal at Pagalungan sa Maguindanao.


Natutunan ng mga partisipanteng ito ang basic firefighting techniques, water safety and rescue, basic scuba, paggamit ng machine at power tools at small boat operation.


Layunin ng pagsasanay na ito na palakasin pa ang kapasidad ng mga mamamayang Bangsamoro sa pagresponde sa mga sakuna sa kani-kanilang komunidad

35 views
bottom of page