4th batch ng WASAR training ng Bangsamoro READi, nag-umpisa na!

Kate Dayawan | iNEWS | November 19, 2021

Photo courtesy : BARMM READi


Cotabato City, Philippines - Araw ng Huwebes, November 18, ay nagsimula na ang pitong araw na pagsasanay ng ikaapat na batch ng Water Search and Rescue Training ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o Bangsamoro READi ng Ministry of Interior and Local Government sa 6th ID Division Training School.


Abot sa animnapu't dalawa ang partisipante ng nasabing pagsasanay at ito ay kinabibilangan ng labing isang babae at limapu't isang lalaki mula sa mga bayan ng Pualas, Kapatagan at Balabagan sa Lanao del Sur at Datu Piang, Buluan, Datu Montawak at Pagalungan sa probinsya ng Maguindanao.


Layunin ng WASAR Training na mapalago at mapaigting ang kapasidad ng community responders sa pagresponde sa panahon ng sakuna.


90 views