5 DI-MG MEMBERS AT 1 SUNDALO, NASAWI NANG MAKASAGUPA SA BUTIG, LANAO DEL SUR

Kate Dayawan

LANAO DEL SUR - Patay ang limang miyembro ng ISIS Inspired Daulah Islamiyah Maute Group sa inilunsad na operasyon ng militar sa Barangay Ragayan, Butig, Lanao del Sur umaga noong Miyerkules, April 27.


Isang sundalo rin ang nasawi at isa ang sugatan sa operasyon.


Sa report ng 5TH IB, mahigit kumulang 40 miyembro ng ISIS Inspired- Daulah Islamiya Maute Group ang nakasagupa ng 5th Infantry Battalion sa bulubunduking bahagi ng lugar.


Inilunsad ang operasyon kasunod ng sumbong ng mga sibilyan hinggil sa presensya ng mga armado sa lugar.


Umabot ng apat na oras ang sagupaan. Narekober ng militar ang apat na high-powered firearms, isang RPG, mga bala, isang improvised land mine at iba pang war material.

1 view