Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 18, 2022

Photo courtesy : PDEA RO 12
Cotabato City, Philippines - Timbog ang limang indibidwal kabilang na ang isang menor de edad matapos na salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 12 kaagapay ang Police Station 6 ng General Santos City ang isang drug den sa Alunan – Bagsakan, Block 4, Barangay Bula, General Santos City noong Miyerkules, March 16.
Kinilala ang mga suspek na sina Lolong, Johairah, Oliver, at Raymond. Hindi naman na pinangalanan ang di umano’y menor de edad na suspek.
Ang mga nahuling indibidwal ay kabilang umano sa mga High Value Target ng otoridad.
Nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang mahigit kumulang 20.88 grams ng hinihinalang shabu na may estimated market value na 141,985.00 pesos.
Bukod pa rito ay nakumpiska rin ang buy-bust money at iba’t ibang drug paraphernalia.
Nakatakda nang sampahan ng karampatang kaso ang mga suspek na sa kasalukuyan ay nakapiit na sa PDEA ROXII Custodial Facility.
End.