top of page

5 holdaper, patay nang manlaban sa mga otoridad na nagbabantay sa checkpoint sa Ampatuan Maguindanao

Alejandro Lasola Jr. | iMINDS Phils | February 22, 2022

Photo courtesy : PNP PRO BAR


Cotabato City, Philippines - Limang holdaper patay nang ito ay makipagpalitan ng putok sa mga otoridad na nagmamandu ng checkpoint sa Kauran, Ampatuan, Maguindanao pasado alas nueve ng gabi, araw ng sabado, Feb 19, 2022.


Base sa imbestigasyon ng Ampatuan MPS, tumakas ang anim katao sakay ng isang puting Mini Van na walang plaka, matapos holdapin ang isang kainan na pagmamay-ari ni Emma Meliton sa Barangay Kauran, Ampatuan, Maguindanao.


Agad rumisponde ang otoridad matapos i-report ng may-ari ang insidente.


Pagsapit sa Kauran Checkpoint, sa halip na huminto, nagkaroon ng palitan ng putok nang hindi tumigil sa checkpoint ang sasakyan lulan ang mga ito-


Na nagresulta sa pagkasawi ng lima sa mga suspek.


Kinilala ng Ampatuan Municipal Police Station ang mga napatay na mga holdaper na sina: Faiser Abdulhalun, 19, residente ng Shariff Aguak, Sahamudin Hasim, 20, residente ng Datu Piang Maguindanao, Johari Palakasi Matas, 21, RESIDENTE NG Datu Saudi, Ampatuan, Maris Tata Manunggal, 23, residente ng Datu Salibu at si Kaharudin Ambag.


Nakatakas naman ang isa pang kasamahan ng mga ito na nakilalang si Alyas Budtung.


Ayon kay PLt. Reynaldo Samson, Hepe ng Ampatuan MPS, ang nakatakas na si Budtung ay pamangkin umano ni BIFF Leader Ismael Abubakar, alyas Kumander Bungos.


Narekober mula sa mga nasawing suspect ang limang cal 45 pistol, mga bala at ibat-ibang mga dokumento na sa kasalukuyan ay nasa poder ng Regional Forensic-BAR for ballestic examination.


End.

46 views
bottom of page