top of page

5 LALAKI, ARESTADO SA ISINAGAWANG SEARCH WARRANT OPERATION NG PDEA 12 SA KABACAN, NORTH COTABATO

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Sa Report ng PDEA XII, kinilala ang mga naarestong indibidwal na sina alyas Amir, Tonican, Mohammad, Ervin at alyas Island.


Araw ng Huwebes, a trese ng Oktubre nang mahuli ang lima sa Barangay Katidtuan, Kabacan, Cotabato Province.


Nakatakas naman sa operasyon si alyas Bumol na may-ari ng drug den.

Photo courtesy : PDEA XII


Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang [2] medium at pitong [7] small sachets ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng mahigit kumulang 15 gramo na may tinatayang halaga na Php 102,000.00, at iba't ibang drug paraphernalia.


Nakumpiska rin ng team ang isang improvised 12 gauge shot gun, isang caliber .45 pistol na may magazine at live ammo na may defaced serial number, isang revolver pistol na may defaced serial number at dalawang (2) hand grenades.


Nahaharap na ang limang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



End

0 views
bottom of page