Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Nasawi sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Barangay Pimbalayan, Lambayong, Sultan Kudarat sina Aldhen Salbo, ang kasama nito na sina Razul Luyugan Dalandang, Ivan Kilapan Macmod, Nasrudin Banto Abdilla, at Sadam Mamadtud Abdul.
Photo courtesy : MAX FM Tacurong
Sa report mula sa Philippine News Agency, sinabi ni PNP SOCCSARGEN Regional Director, Brig. Gen. Jimili Macaraeg, naghain ng search warrant ang pulisya laban kay Salbo na itinuturing na isa sa mga suspected drug peddlers.
Pero ayon sa PNP, nanlaban umano ang mga ito na nagresulta sa palitan ng putok. Nasawi sa operasyon ang limang indibidwal.
Matapos ang palitan ng putok, agad nagsagawa ng clearing operation ang mga operatiba at narekober ang isang sachet ng hinihinalaang shabu na nagkakahalaga ng Php370,000, isang 12-gauge shotgun, tatlong .45-caliber pistol, isang homemade Ingram machine pistol, isang M16 rifle, mga bala, at mga magazine.
Bigo naman ang otoridad na maaresto si Loy Salbo, kapatid ni Adhen Salbo, na isa rin sa subject ng search warrant.
Kasama ng Lambayong police sa nasabing operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency, militar, at iba't ibang police units sa provincial at regional level.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 laban kay Loy Salbo sa Provincial Prosecutor’s Office sa Isulan, Sultan Kudarat.
End