Kate Dayawan

(Photo courtesy to: 57th Infantry (MASIKAP) Battalion)
MAGUINDANAO — Boluntarying sumuko ang limang miyembro ng teroristang NPA sa tropa ng 57th Infantry (MASIKAP) Battalion sa Edwards Camp, Brgy Mirab, Upi, Maguindanao kahapon, May 18.
Ito ay dahil umano sa walang humpay na pagsasagawa ng combat at non-combat operations ng AFP maging ang Community Support Program immersion sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Lebak at ng probinsya ng Sultan Kudarat.
Ang sumukong indibidwal ay agad na iprinisenta ng 57th IB kay Major General Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division.
Ang mga nasabing indibidwal ay mga miyembro ng komunistang grupo sa ilalim ng East Daguma Front, Sub-Regional Command Daguma, Far South Mindanao Region.
Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang isang 5.56mm Rifle, isang Caliber 30 M1 Garand at tatlong 12-gauge shotgun. Sila din ang naging tulay upang marekober ang iba pang mga armas kagaya ng isang 7.62mm M60 General Purpose Machine Gun (GPMG), dalawang 5.56mm M16 Rifle at iba’t-ibang uri ng mga bala.
Pinuri naman ni MGen. U yang kusang loob na pagsuko ng mga dating rebelde at siniguro nito na ang mga ito ay hindi papabayaan ng 6ID kaagapay ang LGU Lebak.
Hinikayat rin nito ang iba pang rebelde na tularan ang ginawa ng lima upang makapiling na nila ang kanilang mga pamilya at makapamuhay ng maayos.