Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Dumating na kahapon ang limang police cars na ipamamahagi ng BARMM Government sa PNP BARMM.
Sinabi ni MILG Minister, Atty. Naguib Sinarimbo bahagi ito ng suporta ng BARMM sa pulisya sa rehiyon na makakatulong sa pagtugon sa anumang krimen, aksidente, o insidente.
Bukod sa police cars, nagpapatuloy din ang konstruksyon ng mga Municipal Police Stations sa buong rehiyon.
Isinasagawa rin ang konstruksyon ng bagong Regional Headquarters building sa Camp Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao.