Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Mayroon ng bagong tayong labin-limang silid-aralan sa limang pampulikong paaralan sa Maguindanao na handog ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education ng BARMM Government
Ang nasabing proyekto, na nagkakahalaga ng Php17,455,833.27, ay pinondohan sa ilalim ng 2018 Basic Education Facilities Fund (BEFF).
Isa ang Looy Integrated Technical High School sa South Upi sa mga pinatayuan ng silid-aralan na nagkakahalaga ng Php2,532,684. Tatlong silid-aralan naman ang ipinatayo sa Looy Elementary School na nagkakahalaga ng Php3,385,952.
Nagtayo din ng bagong silid aralan sa Refra Elementary School na nagkakahalaga ng Php3,385,952 at tatlong silid-aralan din ang ipinatayo sa Embing Mama Elementary School na nagkakahalaga ng Php3,609,541.
Samantala, apat pang silid-aralan na nagkakahalaga ng Php4,550,702.00 ang itinurn-over sa Don A. Martinez Elementary School sa Datu Odin Sinsuat.
Ayon sa MBHTE-BARMM, magpapatuloy ang pagtatayo ng mga gusali at pasilidad ng paaralan sa mga komunidad sa ilalim ng Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).
Bahagi ito ng 12 point agenda ng ministry of Education sa bangsamoro Region tungo sa pagtataguyod ng accessibility ng de-kalidad na edukasyon at pagbuo ng mga paaralan bilang mga ligtas na lugar para sa pag-aaral at pag-unlad.