top of page

13 SUGATAN MATAPOS ANG PAGSABOG SA ISANG BAR SA COTABATO CITY

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Sugatan ang labing tatlong indibidwal matapos sumabog ang isang grada sa loob ng restobar sa kagabi sa Notre Dame Avenue, Barangay Rosary Heights 2, Cotabato City


Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, away ng dalawang grupo na nasa loob ng inuman ang isa sa mga anggulong kanilang tinututukan.


Unang kinilala ang lima sa labintatlong sugatan sa insidente na sina Parson Matingkong Guiaplos, at Omar Jamalodin na pawang nga residente ng Poblacion 7; Sittie Amirkan at Noranifa Uy na residente ng Mother Barangay Bagua; at Mary Joyn Antolan, residente ng Barangay Rosary Height.


Narekober sa crime scene ang safety lever ng MK2 Fragmentation Grenade.


Bagama’t may tinitingnan ng motibo, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa insidente.


13 views
bottom of page