top of page

50 BIFF MEMBERS SUMUKO


50 MIYEMBRO NG BIFF, SUMUKO SA PNP AT INIHARAP KAY PNP CHIEF BENJAMIN ACORDA JR SA PAGBISITA NITO SA PRO BAR


Parang, Magyindanao - Limampung miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang sumuko sa pamunuan ng Police Regional Office BARMM. Iniharap ang mga ito kay PNP Chief PGen Benjamin Acorda Jr sa pagbisita nito sa PRO BAR, a dose ng Mayo.


Humarap kay PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr ang limampung sumukong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF, a dose ng Mayo sa Camp General Salipada K. Pendatun sa Parang, Maguindanao.


Kasamang isinuko ng mga ito ang kanilang mga armas. Ang mga sumukong BIFF ay pinagkalooban ng livelihood assistance tulad ng kalabaw, itik, at bigas ang mga ito bilang paunang tulong.

2 views0 comments

Recent Posts

See All