top of page

50 MAGSASAKA SA MAGUINDANAO, NAKATANGGAP NG TITULO NG LUPA MULA SA MAFAR- BARMM

KATE DAYAWAN | iNEWS | iMINDSPH


Cotabato city, Philippines - Malugod na tinanggap ng limampung magsasaka sa Maguindanao ang Emancipation Patent (EP) o Certificate of Land Ownership Award (CLOA) Title na ipinamahagi ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform ng Bangsamoro Government noong a bente sais ng Agosto.


Karamihan sa mga magsasakang ito ay mga dating combatant ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).


Abot sa 60.15 na ektaryang lupain ang pinaghati-hati sa mga magsasaka na matatagpuan sa Barangay Tanuel, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.


Pinangunahan ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim ang pamamahagi ng mga titulo ng lupa sa Bangsamoro Government Center, Cotabato City.


Hinikayat nito ang mga nabahagiang magsasaka na wag ibenta ang mga ibinigay na lupa-


Pakiusap ng opisyal sa benepisyraryo na alagaan ito ng mabuti at palaguin nang sa ganoon ay magiging paraan ito upang mapabuti ang kanilang buhay sa hinaharap.


Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagtatapos ng 1st Agrarian Reform Program sa BARMM at 33rd National Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na selebrasyon ngayong buwan ng MAFAR.


Bahagi rin umano ito ng pagkilala ng Bangsamoro Government sa kabayanihan ng mga magsasaka hindi lamang sa rehiyon kundi maging sa buong bansa.


Samantala, inanunsyo naman ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones noong nakaraang linggo na nakatkda nang ipamahagi ang nasa 4,800 na ektaryang lupain sa mga magsasaka ng Lanao del Sur sa darating na Oktubre 2021.


Kabilang sa mga benepisyaryo nito ay ang mga displaced person sa Mawari City dahil sa siege noong 2017.



Photo by: MAFAR-BARMM

5 views
bottom of page