top of page

517K NA HALAGA NG SMUGGLED CIGARETTES, NAKUMPISKA NG OTORIDAD SA INDANAN, SULU!

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Limang daan at labing pitong libong piso ang nasamsam ng mga operatiba mula sa Criminal Investigation Sulu matapos ikasa ang kanilang isang joint law enforcement operation sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu nitong October 4.


Ayon sa report mula sa Indanan MPS, nakatanggap umano ng impormasyon ang CIDG PFU Sulu na

Photo courtesy : PRO BAR


may mga inabandonang mga kahon na naglalaman ng pinaniniwalaang smuggled cigarettes sa Subah Datu Compound, Indanan, Sulu.


Agad namang tumungo ang operating team mula sa CIDG PFU kasama ang 1st Police Mobile Force Company, SPPO sa nasabing lugar at nakuha ang apatnapu't pitong kahon ng samu't saring smuggled cigarettes.


Samantala, binitbit na ng otoridad ang mga nakumpiskang sigarilyo at tinutugis na rin ang mga suspek para sa kasong paglabag sa RA 8424 o National Internal Revenue Modernization and Tariff Act.


End

0 views
bottom of page