top of page

523 PUBLIC SCHOOLS SA SOUTH COTABATO NAKATANGGAP NG FINANCIAL ASSISTANCE MULA SA PROVINCIAL GOV'T.

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 23, 2022

Photo courtesy : Provincial Government of South Cotabato


Cotabato City, Philippines: 523 na mga pampublikong paaralan sa lalawigan ng South Cotabato ang nakatanggap ng unang tranche ng financial assistance na ipinamahagi ng Provincial Government sa ilalim ng pamumuno ni Governor Reynaldo Tamayo Jr.


Ang unang tranche ng financial assistance ay nagkakahalaga ng P17.5-Million sa ilalim ng Assistance to Public Education Program, isa sa mga flagship program ng administrasyon ni Governor Tamayo.


Nanguna sa pamamahagi ang gubernador noong Lunes, March 21, na ginanap sa South Cotabato Gym, and Cultural Program at dinaluhan ng mga opisyal ng principal mula sa sampung bayan at nag-iisang syudad ng lalawigan base sa categorization ng Department of Education.


Ayon kay Provincial Administrator Atty. Renette Bergado, naglaan umano ang Provincial Government ng Php34.9 million bilang financial assistance para sa elementary at secondary schools na may layong itaguyod ang libreng access ng edukasyon at upang maipatupad ang Zero Collection Policy ng DepEd.


Nangako si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. na magpapatuloy ang libreng edukasyon sa probinsya habang siya pa rin ang namumuno dito.


End.

1 view
bottom of page