top of page

53 INDIBIDWAL ARESTADO NG PNP BARMM SA IBA’T IBANG OPERASYON SA REHIYON SA LOOB NG ISANG LINGGO

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Kulungan ang bagsak ng apatnaput’ isang indibidwal mula sa dalawampu’t tatlong anti-illegal drug operations na ikinasa ng PNP BARMM sa buong rehiyon mula October 10 hanggang October 16, 2022.


Mahigit dalawang milyong pisong halaga ng iligal na droga rin ang nakumpiska mula sa mga isinagawang operasyon.


Bukod sa anti-illegal drug operations, anim na wanted persons din ang kalaboso at anim pang indibidwal ang tiklo dahil sa illegal gambling.

Photo courtesy: PRO BAR


Isa ang naaresto dahil sa illegal possesion of firearms.


Ayon kay Regional Public Information Officer PLT Eirene Mazon, ito ay dahil sa pagsisikap ng mga police personnel sa Bangsamoro region at ipagpapatuloy pa ng PNP BARMM ang ganitong mga pagsisikap upang magkaroon ng mapayapa at maunlad na Bangsamoro Region


Ayon sa PNP BARMM, tuloy ang kanilang maigting na kampanya laban sa mga kriminal, iligal na droga, terorista at extremists


End


0 views
bottom of page